Hi.

Bwisit na bwisit si BeyBlade dito sa litratong ‘to e. Hahahahaha. Hindi raw bagay sa’kin maglalagay ng kung anu-ano sa mukhahahahahaha~

(De, namis ko lang magising dyan sa ruptap na ang alarmklak ay ang tirik na sinag ng haring araw sa tanghaling tapat, na parang noo ko lang?)

Enweys, kagigising ko lang mula sa pagmumuvi maraton kagabi. The Ward, saka Black Hawk Down. Tinabihan ako ni Aswang matulog, bleh. Kaso nung bandang mag-3am na, umalis na, natae na ata. Buong araw kasing patabain baboy e. Kaya parang nagka-LBM. Saka inperbyu, sa banyo talaga siya umuuu. ‘Yun lang, wantaym, nahuli ko siyang kinakain ‘yung sariling tae niya. Tabi-tabi.

Tapos, parang matutupad na ‘yung medyo matagal ko nang pinagkekreyb na mga pagkain. Pinapapunta ako ni mama sa tarbaho niya, ng 2pm, maggogroseri raw kameeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee :D

P.S: Oo, ganito kababaw lang kaligayahan ko.

P.S.2: Saka nagpapataba na ulit ako e. Nang ang matagal nang pangarap na makapag-donate ng dugo ay matupad na, bago makapagpa-tinta!

#GPOY #store.wrist
3 notes
  1. laichu posted this

Paper Edge
Design by Athenability
Powered by Tumblr