Adyedye, sinusubukan ko ulit mangalabit. May binabalak kasi kaming buohin *slash* buhayin ulit na banda. ‘Yung Murrplegrin. Dahil wala na ‘yung pogi namin tambol, at may nakita akong PWEDEng bagong tambol na babae, ehhh ayos kako ‘to para na rin matupad ‘yung dati pa naming gusto na allgirlbandchuva. At nang hindi kalawangin nang tuluyan hinlalato, hintuturo, hinsisingsing, hinlalaki at hinliliit ko. Kapag nakita niyo kasi ‘yung gitara kong patapon, baka maawa kayo. At mapasigaw nalang ng.. “EUTHANASIA!”

Hi raw, sabi ni mama na nakiki-ambiyans, kaninang hapon. :))
Nakakamis lang tumambay dito sa medyo labas ng bahay. Kagabi nalang uli, dahil sa mga bisita ni ate sa berdey niya na nag-obernayt. Nanuod kami ng 3 idiots, lima kaming humilata dito kagabi pero dalawa nalang kaming natirang gising. Galing. Sarap lang ulit ulitin. Tapos nung alasais na ng umaga, lumipat na ‘ko sa loob, mahirap na mapagalitan. ;))
Tapos nagising ako nang ganito itsura ko. Tadahhhhhhhhh!

P.S: Pwede rin pala akong pang-cosplay e, ‘yung sa Dragon Ball? ;)))))))))
-
thumbinamow liked this
-
thisbananaboy liked this
-
marvinmatic liked this
-
laichu posted this
