Alam niyo sa totoo lang kanina ko pa tinititigan ‘tong bulaklak na ‘to na bigay ni kuya Dhale (eks ni ate) kagabi. Opo, eks na. At SARIWA-SARIWA PA. Kakahiwalay lang nila as in ngayong buwan lang tapos lakas ng loob niyang pumarito pa rin at maki-bonding nang kala mo sila parin ng ate ko, sa kabila naaaaang… Pero medyo naaawa ako sa kalagayan ni kuya Dhale, kasi damandama ko, ‘yung pagtanggi’t paglayo ng utol ko sa kanya kagabi. Saka kahit sino naman maawa talaga, kasi ang awkward ng kilos at mukha ni ate tuwing inaasar sila. O galing ko manyismis no? Pis ate, totoo naman e.
Pero maiba tayo, gandang ganda lang talaga ako sa kanya. Parang siyang isang dilag na kay ganda’t kay hirap abutin. Gano’n ‘yung dating sa’kin. Minsan nga naiisip ko, kung pwede lang ‘wag na sa tao magpakasal, sa puting rosas na lang.
-
canyoubemydomo liked this
-
marvinmatic liked this
-
diannedequina liked this
-
laichu posted this

