
…lob lob lob. :3
Hindi ko alam kung anong nangyari at parang nagbabalik loob na siya sa amin. Lobloblob ko naman siya dati, pinapaliguan ko naman. Pero dati kasi parang nagpaampon na siya sa kapitbahay naman sa kabilang kanto e. Tapos parang may sariling utak? Na parang kabisadong kabisado niya kung kelan kumpleto-pamilya kami sa bahay, saka siya dadalaw at magpaparamdam. Sabi nga ni mama..
Tignan mo ‘yan si Chuchuy, lakwatsero. MANA SA’YO.
Dyamboh~
Berdey ‘to ni Eymard e. Habang nasa potobut, napansin kong sige rin siya sa paglipat lipat ng pwesto na parang pumopowsing kasabay ng tayming ng flash. Kumbaga parang nakakaintindi sa kung anong nangyayari. Sayang at humaba na yung mga balahibo niya. Dati kasi mukha talaga siyang Liyon! Kaso ang baho na niya ngayon. Siya raw kasi ang tunay na Munting Ihiero! Hahahaha
Umuuwi-uwi na uli si Chuchuy! [ay hayper? haha] De, kulang lang ata sa lambing at pakikipaglaro. Yung dalawa kasi naming matatandang askal, kinapon. Kaya hindi sila layas tulad niya. Buti na nga lang at nasanay siyang pinaliliguan nung tuta palang, at kahapon pagpaligo ko sakanya wala siyang palag. Tuwang-tuwa pa! Angharotehehe~
‘Yun nga lang pakiramdam ko magkakagalis-aso ako. Puro ako butlig-butlig at pantal-pantal sa mga braso at binti. Ahhhjusmiyo.
Sa kabilang banda…
Lai ‘wag ka na lang kayang sumama?
Ahhhh. ‘Wag na pala. Purkit sumang-ayon na si kuya na sumama, initsupwera mo na ako? :( Ako unang inaya mo.
Bahahala kahaha! Hehehelow ROBINSON! Hehehelow ESEM PERBYU! :))

WALA NANG BAWIAN UY!
- Walang karamdaman
- Walang galis
- Walang kuto
- Walang lisa
- Walang poknat
Malinis na malinis! Hindi mabahohohohoho. At higit sa lahat maamo. Maarte nga lang hindi kumakain ng kanin. AJUJU. Sakit nito sa SARILING bulsa. Bibilhan ko pa ng taling kadena at kolar at dogpud at shampu at sabong panghayop at kung ano ano pa. Para naman kapag nakilala ng may-ari hindi bawiin at masabi nalang na…
Salamat at nasa mabuting kamay ang aso ko.
LOLOLOL joklang yon sempre. Akala mo ganon ako kabait? Noes poes. Papagandahin ko yang nakawalang-tinapong-inulila nilang tuta para kapag nakita nila, magsisi sila na pinakawalan pa nila! HA! HAH!
Pero sabi ni Bey wala naman daw dahilan para itapon ang ganitong aso, baka raw ASWANG. E diba mga pusa lang ginagaya nila? Eniweys. Ayoko nang isipin basta siya na ngayon si ZOOCKO. :3
P.S: SALAMAT.
Sa kakaisip ko, biglang nagkatotoo.
Isang beses ko palang siyang nakuhaan ng litrato na nakatingin at bukas ang mata, duh res… Kundi tulog, nakahilata, sabit (yung tipong parang nahagip lang ng kamera) at yung isa pa malungkot at may sakit siya. Lagi ko tuloy naiisip yung sabi ng matatanda,
Kapag hindi makita o maaninag o nabura ang mukha NIYA sa isang litrato, ay mamamatay iyon.
Pero me sa pusa nga ata siya kasi tatlong beses nang pabalik-balik sa pagkaway si kamatayan sa kanya.
- Nung nasagasaan siya, sobrang musmos palang siya (yung tipong gatas palang yung tinatanggap ng sistema niya) at nadislokeyt ata lahat ng butobuto niya (nilalanggam na siya at hindi na talaga makakilos, istedi-pulso baga) naghimala kasi pagkatapos ng ilang araw gumaling siya dahil din ata sa mga pinaiinom kong gamot
- Pangalawa nung nadapuan sila ng Parvo bayrus, nahawa lang siya kay chuchuy, kalansay na siya non e pero biglang bumotsug dahil nga sa subskripsyong binibigay ko
- At ang masaklap ngang panghuli, galis. Pinatay siya ng galis. :(
Nakakamatay pala yung galis? Pero bakit yung tae niya pugrit. Grabe lang, kasabayan niya si chuchuy magkaron, pero si chuchuy gumaling, siya lumala. Veve ko kasi e, bakit hindi ko naisip na ipainom ulit sakanya yung pinanggamot ko nung nagka #1 at #2 siya diba?
Buti nalang at napigilan ko yung pagpapatapon ni mama kay chuchay sa may kahabaan ng Saranay. Kasi kinabukasan, kinagabihan, nakita ko nalang siyang matigas na at wala nang buhay sa gilid ng bahay. :( Mas mabuti na yun kesa naman sa kalsada siya mawalan ng buhay, atlis dito nabigyan siya ng libing na matiwasay.
Wiggle a.k.a. Wiggilita
Ang payat pa niya dito, ngayon mukha na siyang longganisang hatdog na binilot sa istretsabol bland plastik~
OK nasa drafts ko rin pala tong pamagat na to, pero ngayon kalmado na ko. Hays. Naalala ko lang, dahil sa nakakapanggigil na post ni kuya Stanley. Pero sabi nga ni Bey, “mamamatay din yang mga yan.”
Kaya pala habang nagkukulay kulay kami ni Bey kanina sa may tardplor nila, biglang tumahol yung mga tuta! (tumatahol lang naman yun ng ganon kalakas kapag nakagat ng madiin o kaya naman nakalabas ng walang kasama e)
Tapos nung bumaba na kami, (kasi pauwi na ko) nagkandarapa na sila. (buong pamilya!) kami lang ni mami niya at jamoy natira. Lahat sila kumanan, kumaliwa at nagsulok sulok para hanapin lang si zoocko. Malamang sa malamang daw kasi kung nakalabas lang yun, nasa gilid gilid lang. Pero nung hindi na talaga nakita, namuo na yung kaisipang may motor na dumampot o kaya naman hinablot ng mga naglalakad.
Sobrang botchug at ganda ng balahibo kasi non. Haba pa ng buntot at tenga! Sinong hindi magkakainteres don, beagador yon. Letse lang. (uliting basahin yung mga salitang naka-BOLD sa itaas, tritayms!!!)
ETO PA!
NagPM si Bey ngayon ngayon lang. May iyak daw ng iyak na tuta sa may neborhud nila. Sus, tengene, ALAMNA. psh~
Parvo~
Nilalanggam at nilalangaw na siya dahil sa sobrang kalat kalat na mga suka’tae sa buong kinalalagyan niya. Nakakaawa. Tengene. Para na siyang kalansay sa sobrang payat. Ayaw niyang kumain puro tubig. Pinipilit ko na nga lang padedehin ng gatas pero sinusuka lang niya.
Ugh! !@#$%^&*() parang walang mga pakielam mga tao dito sa bahay. Lagi nalang sinasabi, ilagayan na yan sa may gilid ng bahay, mamamatay na yan, mamamatay na yan, mamamatay na yan. Grabeh. Mas inalala pa yung mga dinuguan kong bedshittt kesa sa hayop na MAY BUHAY.
Nakakaleche. Maliligo na nga ko.

Galis Aso~
Hindi ko tuloy magawang paliguan nakakatakot baka umiyak sa sobrang hapdi. Nakakaawa. Pengeng gaas. :(
Solar Beeeeeams!!!
Siyam na araw nalang mauuwi na kita!
Dapat si Zick (itim) yung akin e, pero dahil namatayan sila ng tatlong chuchu OK lang mana naman sa tatay nilang Beagle yung mapupunta sakin e, si Zoocko. :3
Ang kyot naming apat no? Para lang kaming magkakalahi. :))))))))))))
P.S: Namimiss ko na silang tatlo, lalo na yung may-ari sakanila…
Peste sumabay pang magloko mga clickables ng tumblr!
Anyway,nakakainis lang kasi kaka-post ko lang tungkol sa kanila nung nakaraang araw tapos magiging ganito yung balita. :(
http://laichu.tumblr.com/post/5735525558/selphie-and-cloud-sila-yung-pinakamaliliksi
Sumalangit nawa, kasama niyo na rin si Zack ngayon. :’((((
http://laichu.tumblr.com/post/5659475511/so-long-and-goodnight-dearest-zack-ang#post-notes
SI ZIC AT ZOOCKO MALAKAS PA. DALAWA NALANG NATIRA. PLIS PO, ITIRA NIYO NA.
Selphie and Cloud
Sila yung pinakamaliliksi, pinakamahaharot, at pinakaMASISIBA. Siguro nga dahil sa pagpapakaen namin ng dogfood (raw) kaya sila isa-isang nagkakaroon ng hindi malaman na karamdaman. Nauna na si Zack, (sumalangit nawa) parehas na parehas sila ng behavior ngayon, ayaw man naming isipin pero parang hahantong din sa naging sitwasyon ni Zack itong dalawa. :(
Pinainom na namin ng Sprite, kaso yung isang kapatid nila (na normal pa at malakas at walang sakit) yung laging umuubos, pinurga narin namin ng asukal (purong granules hahaha), pero tuloy tuloy parin yung sintomas e. Sumusuka ng puti (na parang towfu, yung sa taho) at tumatae ng tunaw na tsokolateng kulay pula (brownish red blood).
Pagmasdan mo palang kung paano lumakad ng slomo maaawa ka na e. Matumba tumba. Lalo na kapag nakita mo yung mga mata nilang parang nangungusap at nagmamakaawa sayo dahil parang sinusuka na nila mga sikmura nila…
Hays, puppy doc. PM me. :’(((

So long and goodnight… Dearest Zack. :’(
Ang pinakamaliksi, ang pinakamaharot, at pinakapaboritog tuta ni Bey, sumakabilang buhay na. Nagulat nalang ako kagabi nung binalita, bad news wala na raw si Zack. Nakakainis lang isipin mahigit isang bwan pa lang ang nalalagi niya dito sa mundo, dinapuan na siya agad ng hindi malamang karamdaman. Nagsusuka-suka ng laway (kasi nga ayaw niya dumede, ayaw niya kumain ng dogfood o anumang timplang gatas, o asukal sa tubig manlang) ang gusto lang niya laging inumin, TUBIG TUBIG TUBIG. Kapansin pansin, kasi hinang hina ang kilos niya walang gana at sobrang tamlay. Kung maglakad nga siya, parang matutumba kapag naihipan e.
Isa pang nakakalumo, yung dinudumi niya lagi, tubig tubig at may halong dugo. :(
Napakatalino lang niya kasi sa tuwing susuka o dudumi siya, lalayo siya. Pupunta siya sa kung saan walang tao, basta sulok para siguro hindi makaperwisyo.
Ang mas nakakaiyak na parte, ni isang sambahayan sa subdivision nila Bey WALANG PALA. Kaya ipinatapon nalang sa kahabaan ng Saranay ang nakakaawang katawan niya. :’((((((
Nakakadipres. Tengene.
Mommy Wiggle
Sabi nila, (yung former na may ari) kaya raw Wiggle pinangalan nila, (kahit parang panglalaki ang dating) ehhh sa kadahilanang, mahilig siyang kumendeng! Kumendeng in a way na mag-wiggle all the way kapag nakita ka at basta nandyan ka pa at nakikita niya. Siya yung mommy ng mga CHUCHA kanina.
Dati Wiggles tawag ko sa kanya, kasi ang kyot lang diba kapag wiggles. Peburit ko kasi yun dati, yung marshmallews na may chocolatey. hihi. Tapos Wigelita madalas na yung tawag ko, kasi naman si Bey e, nakakahawa. :))))
Ang behave niya lang, kasi kanina diba nag-isaw kami, sinama namin siya sa bilihan ng mga ihaw-ihaw. At naka-sit lang siya doon sa gilid kung saan namin siya tinali. :)
RF: Yang asong yan, once nakalabas ng gate, iisang lugar lang ang dapat mong puntahan para hanapin siya, sa BAKERY.
Kasi sobrang hilig niya sa tinapay. Sa sobrang hilig niya, sinasampahan niya talaga yung istante kung saan nakalagay yung mga tinapay na para bagang nagpapaawa sa may ari ng tindahan para hagisan siya ng kapirasong tinapay. :P
Pagkagising namin, inakyat na ni Bey itong mga tutang ito sa 3rd floor. Sobrang gigil ko, gusto kong pitpitin mga paw nila. More or less 2weeks palang sila pero ang kukulit na. Chinuchupchup daliri ko sa kamay pati ba naman sa paa. :)))







Parang mas napapamahal ako sa PUTING YUN (si ZUKOW), kesa dito sa ITIM NA TO (ZIK, pero sabi ni Bey ZEL daw pangalan niya, che!). Pero, after 2months ko pa naman makukuha, kaya mapag-iisipan ko pa kung alin sa kanilang dalawa talaga kukunin ko. :3
P.S: Gusto niyo? 500 na lang isa. BEAGADOR PUPS. :3








