Gano’n daw kapag lumalaki na, ayaw nang magpa-kiss. -_-“


(Source: beben-eleben)
(via bvcky)
SUPACAT!
(Source: cineraria, via stopteasingme)
Ang liit-liit na nga, ang hilig pa niyang gawin ‘to. Yung kumomoplaj? Dumikit sa mga telang kakulay niya. Kaya laging nauupuan at natatapakan e. Uso rin pala sa mga hayop, pagiging pasaway, mapang-asar at epal. lol
Minsan magugulat ka na lang, may biglang susunggab sa paa mo. ‘Yun pala kanina ka pa niya inaabangang dumaan. Uu, puma-paraan. Loko~
Anderson meets Meow, the 37-lb cat (the equivalent of a 600-lb person), today on “Anderson.”
(Source: anderson)
Aswang na mapayat.
Susulpot-sulpot kahit saan ka pumunta. Parang ngayon, tambay ako sa ~*medyo*~ labas ng bahay namin, ampetsa na tambay parin sa labas? Pagbigyan, hanggang dito-dito nalang ako pupwede ngayon e. AJUJU
Nagsusuka si Aswang sa inuwing Wiskas ni ate, dati naman hinde. Mukang ekspard na ata kaya ganown. Pero sige parin ako sa pagpapakain. Galeng ko no? Poreber.
Kaya masarap mag-alaga ng pusa sa loob ng bahay e, kahit ganito, hindi sa minamaliit ko, maliit na nga mamaliitin ko pa? De kako, kasi ang lambing na, hindi mo pa mapapansing nag-iisa ka. Wala, lagi ko kausap, pakiramdam ko nga kapag sumagot siya, hindi ako magugulat. Baka irerekord ko pa sa tuwa. lol
So, ayun, gusto ko pa sana magbabad sa net kaso kota na ko. Grabihan lang, umistrikta ang nanay ko simula nung nalaman at naramdaman niyang umaligid-aligid ‘yung kung sinoman riyan. 10pm dapat nasa bahay na, wowoweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee~ <kumikerpyu mowd si inay sakin>
Magandang gabi!
P.S: Masarap din mapalayo sa buhay innernet, atlis nakakapagbanat-banat ng buto at nasisinagan na ako ng araw at at at naaaliw-aliw.
Gunayt nalang nga~
Kalembang
Sawakas, may ~*clue*~ na rin kung nasaan man siya. Lagi kasing nasasagi at naaapakan dahil sa sobrang kaliitan at kaitiman. Minsan nga sa damit(labahan) na itim ko na siya hinahanap, madalas kasi siyang duon kumomoplaj.
Asiong Asiang Gulat :))
Tulog sa umaga, hayper na hayper sa gabi. Nakakahipnotays ‘yung mga titig niyaaaaa @_____@
ChuPopo~
Ang pusang galit na galit kapag tinigil mo ang paghimas mo sakanya. Haha! Ang landing pusa pero ni minsan hindi pa siya nakapag-asawa o nakabuntis. Choosy sa choosy! Miski nga raw ang Siamese ng kapitbahay, ayaw patulan?
Sa tingin ko, susunod siya sa yapak ni Manong. Tatandang binata.










